Posted by: jigoantonio | March 8, 2010

S*Show’s First Edition

S*Show’s Greatest Transformation of the Year
Kerrlyn Ross Teruel

Pitong Buwan bago matapos ang taong 2005, ay namataan ng S*Show ang biglaang pagpapayat nito. Halos hindi ako makapaniwala sa aking natuklasan hindi lamang sa dahilang payat kundi pati na rin sa personalidad at ang pagkakaroon nito nang tinatawag na GUTS. Hindi binalak akalain ni Miss K.R. Teruel na dati’y iniintrigang tibo ay tunay na babae pala. Sa pagpapatuloy tinanong ko siya kung bakit biglaan ang pangangayayat nito, at ang tugon niya sa akin ay : “Kinakailangan kasi balang araw!”. Alam niyo ba na noong una raw ay nahihirapan siyang magdiet at mag-adjust. Dati raw kasi’y niriremind palagi siya nang kanyang instructor na dapat magbawas na raw siya ng timbang lalo na nung nagkaroon sila ng swimming lessons. Pero kung sa pag-uugali ang pag-uusapan ay walng pagbabago, ganun pa rin siya syempre, ang dating friendly ay lalong naging friendly!. At di lang ‘yun, na-develop din ang self-cinfidence at self-concept nito. So I hope that it will happen to the following persons: Mrs. Lieza T. Tayo(?), Mrs. Christie Kae T. Tamon(?) at lastly Mrs. Ma. Meldy V. ——( ayan meldz safe ka!)

S*Show’s Survivor of the Year
Iza May Evangelista

Ang S*Show ay lubos na gumagalang at humahanga sa pagiging matatatg mo, Ms. I. Matatag, di amang sa paharap ng pisikal na problema kundi pati na rin ng mga emosyonal mong problema, Napag-alaman ng S*Show na nalampasan ni Ms.I ang pisikal na sakit na kanyang naranasan na kung tawagin ay hepatitis. Agad na nalunasan ang sakit niyang ito, ngunit di pa man natapos ang taon(2005) ay inoperahan siya dahil sa pagkakaroon into ng appendicitis, ngunit di laman sakit sa katawan ang naranasan niya kundi naranasan niya rin ang masaktan ang damdamin. ayon sa pagkakaalam ng S*Show ay kaka-split pa lang daw nito sa kanyang jowa. Gayunpaman ay lubos na nagpapasalamat ang babaeng ito dahil sa hindi siya pinababayaan ng kanyang mga mahal sa buhay, katulad ng kanyang kaibigang si Ms. Frita. Sa muli ay lubos na kinikilala ka ng S*Show bilang The Iron Lady of Wisdom.

S*Show’s Blessed Person of the Year
Anreb Zedric Genandoy

Si Mr. A.Z. Genandoy ang napili bilang Blessed Person of the Year dahil sa pagdating ng isang
oportunidad upang maging iskolar ng isang institusyon at sa pagkakaroon ng marami pang mga kaibigan.

S*Show’s Gossip Personality of the Year
Raymond Philip Nieles

Wala ng tatalo pa kay Mr. Nieles pagdating sa pagiging updatednito sa mga latest at mainit init pang mga tsismis tungkol sa mga nagyayari sa mga buhay ng Wisdom_04, at sa pagbabahagi nito sa malawakang pang-iintriga ng S*Show. Saludo kami sa iyo Kapatid na Popet! naway ipagpatuloy mo ang mabuti mong gawain.

S*Show’s Humblest Person of the Year
Ernie Templanza

Dahil sa pagiging Down-to-earth nito sa girlfriend niya. At handang amin ang anumang kahinaan at kakulangan, ngunit ang tanong “Bakit di mo magawa sa isang kaibigan?”( Hi Hazel!).

S*Show’s Love Story of the Year
John Paul Locsin at Karen Mae Dela Cruz

Totohanan na ba ito? O handa na ba ako sa mga malalaman ko? Hay! Nakakakaba talaga, sana di lang mabukin. Ang tanging masasabi ng programang ito :Goodluck and lived with God, for God is Love

S*Show’s Inconceivable Relationship of the Year
Ang Relasyong Genemy G. at Hyrtz T.

Sa di malamang dahilan kung ano nga ba ang batayan ni Ms. GG sa pagpili ng lalaking ito. Totoo nga kayang bulag ang pag-ibig?. wika nga ni Balagtas, “Oh ang pag-ibig pagpumasok sa puso ninuman hahamakin ang lahat lalamunin ka lamang” este “masunod ka lamang” True love nga ba ito Ms. GG?

For more Information regarding the S8Show kindly visit our site http://www.sshowentertainment.webs.com

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: